Sunday

May 14, 2009

This goes out to a very dear friend who is celebrating his 26th wonderful years of existence.

Gaya ng nasabi ko sa iyo, humigit kumulang pitong daan at tatlumpung araw lang naman ang katumbas ng dalawang taon. At dahil ito ang unang taon mo na magdidiwang ka ng iyong kaarawan sa gitnang silangan, nais kong gawin ito bilang pasasalamat sa ating pagkakaibigan. Sana ay matuwa ka habang binabasa mo ito.

Mga kaibigan, lubos akong natutuwa dahil nakilala ko ang isang tulad niya. Isa siyang kaibigan at kapatid ko kay Kristo. Sa maikling panahon na kami ay nagkasama, tinatanaw kong utang na loob sa kanya ang lakas at inspirasyon na ibinigay niya sa akin. Hindi kami kapwa perpektong nilalang, ngunit ang aming mga pagkakamali at pagkakaiba ng pananaw ay nagbigay ng malinaw na kahulugan sa aming pagkakaibigan. Ilang beses din naming isinabong ang aming mga paniniwala dahil siguro ang isa sa amin ay matigas ang tuktok at ang isa ay matibay ang paninindigan. (ako iyong may matibay na paninindigan). Pero sa huli, siya pa ring ang isa sa mga taong sinasandalan ko sa mga dumarating na problema. Gaya ng nasabi ko na sa kanya, may mga tao siyang pinilay ng siya ay umalis. Ibig sabihin noon ay mabuti siyang kaibigan sa lahat, hindi dahil umalis siya dahil sadyang gusto niya lang.

Sa mga darating pang mga araw, sana ay mas maging masaya at matatag pa siya sa lahat ng mga hamon. Sana ay makita sa kanya ng ibang tao ang larawan ni Kristo at makita niya rin Siya sa iba. Pagpalain nawa ang lahat ng mga hiling ng puso niya.

Para sa iyo Robby Manding, maligayang kaarawan! Gaya ng aking pangako, hanggang sa ikaw ay magbalik, may kaibigan ka pa ring naghihintay sa iyo. XD
/njda

0 comments:

by TemplatesForYou-TFY
SoSuechtig, Burajiru
Distributed by Free Blogger Templates